Wednesday, July 24, 2019


Lahat ng babae hinahangad si "Prince Charming". Yung lalakeng over mag effort, yung lalakeng todo ka hahabulan palagi, yung lalakeng gagawin ang lahat kahit anu pang gawin mo. Yung lalakeng kaya kang ipag laban sa kahit ano, yung lalakeng laging andyan sa tabi mo at para sa iba yung tipong babantayan ka sa pag tulog mo at makakayang tiisin ang antok niya sa mag damag para lang maramdaman mo mahal na mahal ka niya. Yung lalakeng kulang nalang sa sobrang pag imagine mo masyado ng perfect. Oh ayan ka nanaman di mo magawang aminin, pero deep inside kada makapanuod ko ng romantic movie parteh ng isip mo hinahangad yung pagkatao ng bidang lalake. Kaya nga kinikilig ka sa mga romantic movies na yan kasi nga ginagawa nung lalake lahat ng gusto mong magawa sayo ng taong mahal mo. Masarap mangarap ng mga ganyan. Yung pag gising mo long messages nag hihintay sayo, pag dating mo sa school may nag hihintay sayo sa room para dalhin mga gamit mo, pag katapos ng klase andun nanaman sia na may dalang bulaklak at handa ka nang ihatid pauwi. Idagdag mo pa yung surprise na matatanggap mo pag dating mo sa kwarto mo. Di ba ang sarap mangarap ng ganyan? Pero sa totoo lang hindi naman lahat ng oras magiging ganyan, at ang mga lalake hindi naman yan ang pag katao. Kasi wala naman PERFECT ee, kahit saan anggulo mo pa tignan. Ou sabihin naten may lalake na ma effort, pero hindi sa way na na imagine mo. Yung effort nia could be in a form na lagi nia binibigay oras nia sayo, or hatid sundo ka nia, or lagi sia nag susulat sayo o gumagawa ng videos. Hindi lahat ng lalake na kapag sinabi mo ma effort automatic, bulaklak, tsokolate, teddy bear, agad ang dala. May mga lalake na sweet, pero sweet in a sense na sobrang mapag alaga sia, sobrang lambing nia, or sobrang pala yakap sia lagi sayo. Hindi lahat ng lalake idadaan ang pagiging sweet sa isusurprise ka nia kaagad na may hawak na banner pa o may proposal na. May mga lalake na handa gawin lahat para sayo, in a sense ibababa nia pride nia para sayo kasi ayaw nia na nagtatalo kayo, o susuyuin ka nia kaagad dahil ayaw nia na nakikita ka niyang nasasaktan. Hindi lahat ng lalake e pag nag away kayo bigla nalang lilitaw sa bahay nio na may dalang rosas, ice cream, o sign na nakalagay "IM SORRY PATAWARIN MO NA AKO".  Hindi lahat ng oras kapag nag away kayo, nag ka talo kayo, nag ka tampuhan kayo siya lagi mag hahabol sayo. siya lagi manunuyo ng manunuyo, o siya yung lagi mag eeffort o mag papaliwanag sayo. Meron din mga lalake na minsan hinahangad nila na sila naman ang suyuin, habulin, o pag effortan, at pakiusapan. Ang relasyon dadating ang time na may pag kakatalunan kayo. may hindi kayo ipagkaka sundo, at meron din kayong time na may ipag tatalunan kayo, o pagkaka awayan nio. Normal lang ang mag away, dadating talaga yan pero nasa inyo'ng dalawa yan kung hanggang saan ang away nio. Wag mo sia tiisin, dahil alam mong mahal ka nia. Ou lalake yan, susuyuin ka nian pero matuto karin na mag pa amo kapag nag lambing na sia. At dapat ganun din siya sayo. Tandaan, ang relasyon ang pinapatagal hindi away. Wag mo rin gawing solusyon ang "cool off", dahil parang sinasabi mo rin na gusto mo siyang iwan. Hindi man siya perpekto, pero kung alam mo naman ginagawa niya lahat wag ka lang mawala, mapasaya ka lang, at loyal siya sayo wag mo na pakawalan. Marami man tulad niya, pero iisa lang siya. 


No comments:

Post a Comment